Talong Surprise - Day 20 | Panlasang Pinoy

Talong Surprise - Day 20

Knorr Lutong Nanay 21 Day Challenge

Ang malnutrisyon ang dahilan ng hindi wastong
paghubog ng pangangatawan at isipan ng mga
kabataan. Ang kinabukasan ng sumusunod na
henerasyon, pati na rin ang ating mga anak, ay
nakasalalay sa paglutas nitong maselang problema
ng kalusugan.

Sa dahilang ito, ikinagagalak ng Knorr, sa pamamagitan
ng Knorr Lutong Nanay School of Recipes, ang
pag-lunsad nitong Lutong Nanay 21 Day Challenge video series. Ito ang gabay sa mga Nanay para labanan ang malnutrisyon
sa pamamagitan ng paghanda ng MASARAP,
MASUSTANSYA, at MURA na mga pagkain.

Sangkap:

1 clove bawang, chopped
1 pc sibuyas, chopped
1 pc kamatis, hiniwa
3 pcs talong
1 pc itlog
1 pc chicken cube

Pamamaraan:

1. Pakuluan ang talong hanggang sa lumambot, balatan at
hiwa-hiwain. Itabi.

2. Igisa ang sibuyas, bawang at kamatis hanggang sa
lumambot. Idagdag ang hiniwang talong at
chicken cube.

3. Ihalo sa itlog at iprito.

#omelet #lutongnanay #healthyrecipes
Share this Post:

Related Posts: