Ginisang Togue - Day 4 | Panlasang Pinoy

Ginisang Togue - Day 4

Knorr Lutong Nanay 21 Day Challenge

Ang malnutrisyon ang dahilan ng hindi wastong
paghubog ng pangangatawan at isipan ng mga
kabataan. Ang kinabukasan ng sumusunod na
henerasyon, pati na rin ang ating mga anak, ay
nakasalalay sa paglutas nitong maselang problema
ng kalusugan.

Sa dahilang ito, ikinagagalak ng Knorr, sa pamamagitan
ng Knorr Lutong Nanay School of Recipes, ang
pag-lunsad nitong Lutong Nanay 21 Day Challenge video series. Ito ang gabay sa mga Nanay para labanan ang malnutrisyon
sa pamamagitan ng paghanda ng MASARAP,
MASUSTANSYA, at MURA na mga pagkain.

Sangkap:

1 tbsp mantika
1 pc sibuyas, chopped
1 clove bawang, chopped
¼ kg togue
1 pc shrimp cube
1 pc tokwa, cubed

Pamamaraan:

Igisa ang sibuyas at bawang hanggang sa lumambot.
Idagdag ang togue, shrimp cube at tubig. Palambutin
ang mga sangkap. Isahog ang pritong tokwa.

#panlasangpinoy #healthyrecipes #lutongnanay
Share this Post:

Related Posts: