Ginisang Monggo - Day 10 | Panlasang Pinoy

Ginisang Monggo - Day 10

Knorr Lutong Nanay 21 Day Challenge

Ang malnutrisyon ang dahilan ng hindi wastong
paghubog ng pangangatawan at isipan ng mga
kabataan. Ang kinabukasan ng sumusunod na
henerasyon, pati na rin ang ating mga anak, ay
nakasalalay sa paglutas nitong maselang problema
ng kalusugan.

Sa dahilang ito, ikinagagalak ng Knorr, sa pamamagitan
ng Knorr Lutong Nanay School of Recipes, ang
pag-lunsad nitong Lutong Nanay 21 Day Challenge video series. Ito ang gabay sa mga Nanay para labanan ang malnutrisyon
sa pamamagitan ng paghanda ng MASARAP,
MASUSTANSYA, at MURA na mga pagkain.

Sangkap:

1 pc sibuyas, chopped
1 pc kamatis, hiniwa
½ balot monggo
2 cups tubig
1 pc pork cube
1 tali malunggay leaves

Pamamaraan:

1. Igisa ang sibuyas at kamatis. Idagdag ang monggo at
tubig. Pakuluin hanggang lumambot ang monggo.
2. Ilagay ang pork cube at malunggay leaves.
Pakuluin hanggang matunaw ang pork cube.
Share this Post:

Related Posts: