Ginataang Malunggay - Day 15 | Panlasang Pinoy

Ginataang Malunggay - Day 15

Knorr Lutong Nanay 21 Day Challenge

Ang malnutrisyon ang dahilan ng hindi wastong
paghubog ng pangangatawan at isipan ng mga
kabataan. Ang kinabukasan ng sumusunod na
henerasyon, pati na rin ang ating mga anak, ay
nakasalalay sa paglutas nitong maselang problema
ng kalusugan.

Sa dahilang ito, ikinagagalak ng Knorr, sa pamamagitan
ng Knorr Lutong Nanay School of Recipes, ang
pag-lunsad nitong Lutong Nanay 21 Day Challenge video series. Ito ang gabay sa mga Nanay para labanan ang malnutrisyon
sa pamamagitan ng paghanda ng MASARAP,
MASUSTANSYA, at MURA na mga pagkain.

Sangkap:

1 tali malunggay leaves
1 (33g) ginataang gulay mix
1 cup tubig
1 pc tuyo

Pamamaraan:

Tunawin ang ginataang gulay mix sa tubig. Pagsamahin
ang mga rekado sa kawali. Pakuluan hanggang sa maluto.
Ihain.

#panlasangpinoy #healthyrecipes #lutongnanay
Share this Post:

Related Posts: